HISTORY


KASAYSAYAN NG MANDALUYONG ELEMENTARY SCHOOL 

1901 - Itinatag ng mga Amerikano ang kauna-unahang pampublikong paaralan sa gusaling “Tribunal” na mas kilala ngayong Munisipyo. Si Ginoong Looker, isang sundalong edad 25, ang nagbukas ng mga panggabing klase. Si Ginoong Blasé naman na payat at matangkad na sundalo, ang pumalit kay Ginoong Looker. At pinangunahan naman ni Ginoong Victorio Sta. Ana ang mga klase sa buong araw at nagturo sa mga mas batang mag-aaral.


1902 - Nagkaroon ng mga klase sa iba’t ibang parte ng San Felipe Neri, na ngayo’y mas kilala bilang Mandaluyong City. Sa lumang Inocentes inilunsad ni Binibining Fanny Dankling ang kaniyang mga klase. Samantalang si Ginoong Eastman ay nagturo sa lumang bahay nina Atty. Generoso Castañeda at F. Blumentritt (1902). Ang magkapatid na Maestrong Enteng (Clemente Fernando) at Maestrang Tona ang nagturo sa babae’t lalaki. Si Tona sa mga babae at Enteng sa mga lalaki (1903).



1904 - Itinalaga si G. Clemente Fernando bilang punong-guro ng pampublikong paaralan. Sina Binibining Enrigueta Lacanan at Binibining Agustina Pedro naman ang mga naging bagong guro sa nasabing paaralan.



1912 - Ninais ni G. Marcelo Lerma, pangulo ng munisipyo, na magpatayo ng permanenteng gusaling pampaaralan. Ngunit walang sapat na pondo ang bayan. Sa “Tribunal” pa rin inilunsad ang mga klase sa pangunguna ng punong-guro na si G. Paulino Castillo. Apat na klase ang hawak nina Bb. Asuncion Pedro, Bb. Eusebia Torres, G. Antonio Sepio at G. Alceniga magpasahanggang taon 1917.



1918 - Pinangunagan ni G. Mariano Castañeda, alcalde ng bayan, ang pagpapagawa ng gusaling may apat na kwartong paaralan na nabili sa ‘HACIENDA DE MANDALUYONG’ o Mandaluyong Estates. Pinangalanan ang paaralan ng “SAN FELIPE NERI PRIMARY SCHOOL” 



1919-1923 - Pinalitan ni G. Flaviano Aviola si G. Castillo bilang Principal.  Ang mga kaguruan ay binuubuo nina Bb. Cipriana Angeles, Bb. Esperanza Flores at G. Arsenio Dizon kasama ang mga nauna ng mga guro na sina Bb. Josefina Leyva at Bb. Asuncion Pedro.



1923 - Si G. Jose Angeles ang bagong punong-guro. Si G. Roman L. Santos naman ang naging superbisor . Tatlong bagong guro ang dumating, sina Bb. Trinidad de Leon, G. Sesinando Angeles at Bb. Paulino.



1924 - Pinalitan ni G. Ricardo Angeles si G. Jose Angeles bilang punong-guro.

 

1925 - G. Maximo Menguito bilang bagong punong-guro samantalang si G. Madlangbayan ang bagong superbisor



1926 - Sa ilalim ng pamamahala ni Gregorio Pedro, dalawang gusali ang idinagdag sa paaralan. Naging 17 na kwarto ang dating apat lamang. Si G. David Santos ang bagong at si G. Manuel Alberto ang bagong punong-guro. 



1927 - Pinalitan ni G. Cresencio Peralta si G. Alberto bilang  punong-guro.

 

1933-1935 - Si G. Constancio Gabriel ang namahala bilang punong-guro ng paaralan.



1936 - Napalitan si G. Gabriel ni G. Generosodel Rosario bilang punong-guro.

 

1937 - Ibinalik muli si G. C. Gabriel sa Mandaluyong ngunit ‘di kinalaunan ay naitalaga siya bilang District Supervisor. Naging punong-guro si G. Severino Pagkalinawan. Nakapagpatayo na ng gusaling pampamilihan, gusali para sa Home Economics at kalsada para sa paaralan. 

1942-July - Pinayagan ng mga Hapon na magbukas ang Mandaluyong Elementary School. Naging punong-guro si Gng. Rosario C. Gabriel. 


1973-1985 -Pinakamatagal ang naging panunungkulan ni G. Angel Santiago bilang punong-guro sa MES.


1979-80 - Pinamahalaan ni Gng. Felicitas S. Ventura ang MES


1986-89 - Si Gng. Maria O. Reyes, na sa Mandaluyong nakatira, na punong-guro sa Pasig ay inilipat sa MES bilang punong-guro. 


1989-94 - Si Gng. Felicitas Ventura na galling sa Pinaglabanan Elementary School ay muling naging punong-guro sa MES bago siya itinalaga nilang General Education Supervisor in Mathematics

 

1994 - Ganap nang lungsod ang MANDALUYONG kasabay ng paglikha ng Division of Mandaluyong noong Hunyo 3, 1994. Si Dr. Pedro A. Ramos bilasng kauna-unahang Division Superintendent. Mabilis lang ang pamamahala ni Gng. Erlinda T. Celestial bilang punong-guro ng MES dahil siya ay naging General Education Supervisor I. 



1994-96 - Si Bb. Remedios A. Soledad ang naging punong-guro.

 

 1996-1997 - Naging District Supervisor of Mandaluyong I si Bb. Soledad kung kaya siya ay pinalitan ni Gng. Emelinda A. Osillo bilang punong-guro. 


1997- Nov. 1999 -Pinangunahan ng punong-guro na si Gng. Ester C. Villareal, ang pagkakaroon ng isang araw na pagdiriwang para sa pagkakatatag ng Mandaluyong Elementary School. 


2000 - Si Dr. Josefina L. Atog, dating guro at katuwang ng punong-guro ay itinalaga bilang punong-guro ng MES at binigyang parangal bilang Outstanding Principal of the City of Mandaluyong.

 

2001 -Kapana-panapig na taon para sa MESTIANS sapagkat Oktubre, 2001 ay ipinagdiriwang ang ISAANG DAAN TAONG pagkakatatag ng MES.


2008 (Mayo 2008-Oktubre 2009) - Si GNG. CARMELITA S. PEREGRINO, Principal III bagong punong-guro ng Mandaluyong Elementary School matapos magretiro ni Dr. Josefina L. Atog sa serbisyo. 


 2009 (Oktubre 2009-Marso 2010) -Si Gng. Rita E. Riddle, Administrative Officer of the Division office ang namahala sa Mandaluyong Elementary School bilang nagretiro na sa serbisyo si Gng. Carmelita Peregrino.


2010 (Marso 2010-Hulyo 2010) -Si Dr. Veneranda A. Raz, District Supervisor of District I ang bagong namahala sa Mandaluyong Elementary School matapos maitalaga si Gng. Rita Riddle bilang ASDS sa lungsod ng Paranaque.


2010 (Hulyo 2010-Setyembre 2011) -Si Gng. Luz T. Amaro, Principal III, mula Hulo Elementary School ay naging bagong punong-guro ng Mandaluyong Elementary School


2011 (Setyembre 2011-Abril 2012) -Si G. Rex A. Ado-ES 1 Supervisor

Dating nagtuturo at Master Teacher 1 ng MES, na naging ES 1 Supervisor, ay itinalaga bilang tagapamahala ng Mandaluyong Elementary School.


2012- (Abril,2012 to Setyembre 11, 2017) - Si Gng. Whelma M. Hilario, Principal III mula sa  Nueve de Febrero Elementary School ay naging punong-guro ng Mandaluyong Elementary School.


2017 (Setyembre 11, 2017-Nobyembre 05, 2018) -Si Dr. Imelda O. Garcia, Principal III, punong-guro sa Hulo Integrated School ay inilipat sa MES. 


2018 (Nobyembre 05, 2018-Agosto 16, 2023) -Si Gng Elvira R. Canilao, Principal I mula sa Plainview Elementary School ay pinalitan si Dr. Garcia bilang punong-guro ng MES.

Sa kasalukuyan ay kinikilalang SBM Level II na ang MES, ang kauna-unahang may ganitong pagkilala mula sa 23 na paaralan sa SDO ng Mandaluyong.


2023 (Agosto 17, 2023-Kasalukuyan)- Si Gng. Jocelyn N. Tamayo, Principal I mula sa Nueve de Pebrero Elementary School ang kasalukuyan punong-guro ng Mandaluyong Elementary School.